"Batang Bata ka pa at marami ka pang kailangang malaman at intindihin sa mundo. Nagkakamali ka kung akala mo ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang buhay ay di ganyan "-(Apo Hiking Society).
Ang Bawat bata ay may karapatan-karapatang makapag-aral, magsaya, mahalin, arugain at mabigyan ng maayos na kinabukasan. Ngunit paano na kung sa isang kisap mata lamang ay mapalitan ang karapatang ito ng pang-aabuso sa kanilang mahinang katawan at mababaw na kaisipan. Sa murang edad pa lamang ay may mga batang nagbabanat na ng buto maitawid lamang ang pang araw-araw na pakikipagsapalaran sa malupit na mundo. Mas pinipili ng ilang kabataan ang huminto muna sa pag-aaral at magtrabaho na sa murang edad para makatulong sa gastusin sa tahanan.
Ito ang tinatawag na "Child labor" o ang pagtatrabaho ng mga bata upang makasustento ng pera sa mga magulang. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagiging kargardor ng ilang kabataan sa palengke, pagiging takatak boys o girls, pakikipagpatintero sa mga humaharurot na sasakyan sa highway makapalimos lang at ang pinaka malupit sa lahat ang pag-gamit sa kanila sa masamang paraan gaya ng pagtuturo sa kanila na maging mandurukot. Iniiwan nila ang kanilang kamusmusmusan, ipinagpalit ang laruan at kendi para sa mas delikado at komprehensibong gawain na maaaring sa kanila o mag hatid sa kanila sa hukay para lamang sa pisong para lamang duming dadaan sa kanilang palad.
Kahirapan ang dahilan kung bakit sa murang edad ni Juan ay sumasabak na siya sa mabibigat na trabaho upang buhayin ang pamilya na siyang dapat na nagprotekta, nagmamahal at nagaaruga sa kanya. Kailangang matutunan ng bata ang pagiging masipag, ngunit hindi naman dapat aabot sa puntong ang trabaho ng bata ay ang mismong pinakukunan nila ng maipangtatawid ng pangangalam ng kanilang mga sikmura. Imbis na ang mga bata ay nasa paaralan, natututo ng mga bagong kaalamanan at magkakaroon ng mga bagong kaibigan, sila ay nasa lansangan, lugar na maituturing nilang "playground" na kung saan laging nasa hukay ang kanilang isang paa.
Ngunit ang ipinagtataka lamang ng ilan ay kung bakit hinahayaan ng mga magulang ang kanilang anak na maghanap buhay gayong wala naman silang ginagawa sa bahay. Minsan ang mga magulang din ang mga batang ito ang may gusto ng paghahanap buhay ng kanilang mga anak, habang ang kanilang mga anak ay nakikipagbuno kay kamatayan, mamamataan natin ang ilang sa mga magulang nila ay nasa saklaan at sugalan, itinataya ang baryang kinikita ng kanilang anak. Hindi man lamang nila iniisip ng halos ikamatay ng kanilang mga anak ang pagkita sa bawat pisong kanila lamang ipinapatalo. Ang mga magulang ang may isip kung kaya't kaya nilang mgaisip ng tama o mali, ngunit bakit hinahayaan nilang mangibabaw ang mali, dahil lang ba sa kislap ng salapi?
Ganito na lamang ba ang tingin natin sa mga kabataan na dapat ay magiging susi ng katagumpayan ng ating lipunan? Kailangan ba natin silang tratuhin ng parang langgam, walang kapaguran? Ang karapatan ng kabataan ay dapat natin bigyan importansya. Imulat natin ang ating isipan, hahayaan na lang ba natin na ang kabataan ay mananatili sa masamang bangungunot na kanilang kinasasadlakan. Paganahin ang isip at buksan ang mga mata tulungan natin ang mga kabataan na ibalik ang kamusmusan na matagal nang nanakaw mula sa kanilang mga kamay. Muli natin ibalik ang ngiti at pag-asa sa kanila upang magampanan nila ang kanilang tungkulin na magpapaunlad sa ating bansa. Muli natin ibalik ang kislap ng edukasyon, pagmamahal at pag-aaruga sa mga musmos nating kabataan.

Maganda ang mensahe ng blog...ipagpatuloy
TumugonBurahin